Home        About        Contact

September 14, 2015

Bakit Hindi Ako Makatulog?

Bakit hindi ako makatulog sa pelikulang Heneral Luna?

Napakarami kong paboritong eksena sa pelikulang ito. Kahit na ayaw ko isama ang kahindik-hindik na pagkapatay kay Heneral Luna, isa ito sa mga "highlights" ng palabas. Sobrang dinudurog ang puso ko na makitang pinapatay ang isa sa mga pinakamatalino at pinakamagaling na Heneral ng Pilipinas, ng kapwa pa niyang Pilipino na walang kalaban laban. Naiyak nga kaming tatlong mag-iina sa loob ng sinehan. Hindi ko talaga mapigilan ang pag-iyak lalo na't nakita ko yung huling binigay na medalya ng ina ni Heneral Luna na nakita pa sa kanyang bulsa, kasama ng liham nya sa kanyang minamahal na ina. Halos humagulgol na ata ako sa pag-iyak. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makaget-over sa pagkapanood ko nung Setyembre 9. Gusto ko nga ulit ulitin! 
photo from HENERAL LUNA's website
Mga kabataang Pinoy na katulad ko, inaanyayahan ko kayo na manood ng Heneral Luna. Showing ito sa mga sinehan na malapit sainyo! I check na lang ang facebok page ng Heneral Luna sa facebook para updated ka! Ang SM, Robinsons' at Ayala malls ay nagbibigay ng 50% off sa mga estudyante! Dalin lang ang ID nyo, at meron na kayong 50% off! Oh diba, saktong sakto para sa mga studyante! First time lang yan mangyayari, makakanood ka ng sine ng 50% off na, maganda pa ang papanoorin mo! 

Ang daming pelikula na palabas ngayon, pero...Alam mo namang Pilipino ka diba? Maging parte ka muna na rebolusyon! Manood ka muna ng Heneral Luna! At papayag ka ba na hindi mo gets yung mga meme's na nasa facebook at twitter? Di ba hindi? Kaya manood ka na, dahil ang Heneral Luna
ay may history, romance, action at comedy! 

May mga eksenang nangyari sa pelikula, na nangyayari pa rin hanggang ngayon. Katulad ng pagnanakaw sa kapwa Pilipino, ang pag-uuna ng mga Pilipino sa interes ng pamilya nila bago ang serbisyo sa bayan, at hindi pagkakaisa ng hukbong militar at marami pang iba. Naway, magmulat ito sa ating kaisipan tungo sa pagbabago at pag unlad ng ating bayan.

Napaka ganda talaga nitong pelikula na 'ito. Tangkilikin muna natin ang sariling atin, mga kababayan. Wag tayong TRAYDORRR!!! (Naku, magegets nyo lang yan pag pinanood nyo yung Heneral Luna!) Sobrang daming nakakatawang eksena sa palabas. Pero hindi ko pwedeng sabihin dito para hindi "ma-spoil" ang inyong panonood.

Masyadong hahaba itong artikulo ko sa blog ko kung iisaisahin ko pa yung mga details na inikatuwa ko. Basta, napakagandang pelikula. Wag mo sana i-miss 'to. Sana marami pang ganitong klase ng pelikula ang lumabas sa mga sinehan natin. Isa pa, nung natapos yung pelikula nag palakpakan kaming lahat ng nanuod, tumataas pa nga hanggang ngayon yung balahibo ko sa sobrang pagkahanga ko sa pagkagawa nito. Malapit na nga ako tumayo habang pumapalakpak, kaso hindi pa pala tapos yung pelikula. Nag salita pa ang Pangulo na si Heneral Emilio Aguinaldo.

Hindi ko matangap sa huling parte ng pelikula na pinagtatawanan tayo ng mga Amerikano dahil mismong Pilipino ang nagpapatay sa isa sa pinaka magaling, matalino, at magiting na Heneral ng Pilipinas. Masakit, pero yung ang pawag katotohanan. Sana ay hindi na natin gawin ito ulit. Katulad ng nangyari kay Senador Ninoy Aquino. Maging aral na sana sa atin ito, na laging pumanig sa ikakabuti ng ating mahal na inang bayan.

Ako ay Pilipino at mahal ko ang Pilipinas. 
Mabuhay ang buong production team ng Heneral Luna! 
Mabuhay ang Pilipinas!!!!
 Pssst! At dahil utos ng Pangulo na manuod, tara na! Bago ka mabasahan ng Artikulo Uno.

photos came from Heneral Luna's facebook page and website.

2 comments:

  1. I heard this movie is really to watch for. Mukhang maganda!! :))

    www.victoriamagtoto.blogspot.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Watch it, Victoria! Before it will be pulled out from the cinema theaters.

      Delete

"The words of the reckless pierce like swords, but the tongue of the wise brings healing." ~ Proverbs 12:18